Sunday, December 01, 2013
1

Free Facebook for Globe and TM users


Facebook has been part of Filipino lifestyle that is why free Facebook for Gloe and TM users is here. No matter what gadgets they are using, from cellphone to laptop to tablet to iPad, no one could ever stop them from availing free access to the most famous social networking site in the world today. And since Globe and TM know exactly the needs of Filipino people, here they are offering their free services that will surely put a smile in every faces of Filipinos.

If you have that gadget of yours, capable of putting sim card of these two, you can now avail free access to Facebook. Learn about the details and mechanics of jumping into bandwagon of men of social relevance because of this social networking site. You don’t need to spend that much, for you may spend nothing at all if you will avail this service. You only have to successfully subscribe and that’s it. Everything will work like magic for you! 

Promo runs until: January 25, 2014.
Per DTI NCR Permit No. 9247
Open to all TM, Globe Prepaid & Postpaid subscribers


Libre ang Facebook sa cellphone gamit ang official Facebook mobile apps at Facebook mobile site (m.facebook.com). Magagamit ito ng libre simula October 25, 2013 hanggang Jan. 25, 2014. Di na kailangan ng WiFi!

MECHANICS:

1. I-text ang FREE FB to 8888 for Free Info. Makakatanggap ng SMS na may link para magsimulang gumamit ng Free Facebook.

2. I-click ang link sa natanggap na text o pumunta sa m.facebook.com/free. Mag-log in o gumawa ng FB account for free!

Frequently Asked Questions

1. Ano ang Free Facebook promo?

Libre ang Facebook sa cellphone gamit ang official Facebook mobile apps o Facebook mobile site (m.facebook.com). Magagamit ito nang libre simula Oct. 25, 2013 hanggang Jan. 25, 2014! Di na kailangan ng WiFi!

1. Para magsimula: 

a. I-text ang FREE FB to 8888 para makakuha ng free information. I-click ang link sa message na matatanggap sa iyong cellphone. 
b. Maaari ring buksan ang official Facebook app o pumunta sa m.facebook.com/free gamit ang internet browser ng iyong cellphone.

2. Para mag log-in:

a. Sa mga mayroon nang Facebook account, mag log-in lamang.

b. Para sa wala pang Facebook account, gumawa ng FB account gamit lang ang cellphone. Di na kailangan gumawa ng email account



3. Kapag naka log-in na, mapupunta ka sa Welcome/Registration page. I-click lang ang "Start Now".



4. Maaari nang mag-post, share, comment, atbp. sa Facebook! Malalaman na libre ang paggamit ng Facebook kapag nakakita ng black header na nagsasabing "Free Data".



5. Makakakita ng "Advice of Charge" page tuwing lalabas ng Facebook (e.g. Kapag nag-click ng link papunta sa ibang sites tulad ng YouTube, Yahoo, atbp.) Regular browsing rate (P5/15mins) ang maga-apply maliban kung naka-register sa mobile internet promo tulad ng Powersurf o Supersurf.



2. Ano ang m.facebook.com?

Ang m.facebook.com ay ang mobile version ng www.facebook.com para magamit ang Facebook kahit walang app. Ang mga gumagamit ng Facebook sa cellphone ay automatic na mare-redirect o mapupunta sa m.facebook.com. Ito ay mas pinaliit na version ng Facebook para sa cellphone, pero magagamit pa din ang main features ng Facebook tulad ng pag-post, pag-add ng friends, pag-upload ng photos, atbp.

Kung hindi mobile version ang nais gamitin, maaari ring i-download ang official Facebook app (refer to FAQ #5).

3. Libre ba ang pagpunta sa m.facebook.com gamit ang anumang browser?

Oo, libre ang pagpunta sa m.facebook.com gamit ang anumang browser type (hindi pa available ang Free Facebook sa Nokia Xpress browser at Opera Mini browser sa ngayon). Regular mobile internet rate (P5/15mins) ang maga-apply kapag ginamit ito.

4. Libre ba ang Facebook gamit ang Facebook apps?

Oo, libre ang Facebook gamit ang official Facebook apps at kapag pumunta sa Facebook mobile site na m.facebook.com. Libre rin gamit ang Facebook Messenger apps.

5. Paano i-download ang official Facebook app?

Para sa may smartphones:

Para i-download ang official Facebook app sa cellphone o ang latest version nito, pumunta m.facebook.com/mobile. Automatic na mapupunta sa app store ng cellphone tulad ng iTunes, Google Play, atbp. kapag nag-download. Regular mobile internet rate (P5/15mins) ang maga-apply.

Para sa hindi naka-smartphone:
Maaari pa ring makuha ang Facebook app sa m.facebook.com/mobile. Ito ay libre!

6. Paano malalaman kung official ang Facebook app ko?

Official ang Facebook app kapag na-download ito mula sa Facebook site o kapag ang publisher ng app ay Facebook, Inc.

Tandaan na libre ang Facebook gamit lamang ang official Facebook apps kaya siguraduhing official ang gagamiting app.

7. Pagkatapos mag-register sa Free Facebook promo, paano ko malalaman na libre na ang paggamit ng Facebook?

Pagkatapos mag-register sa Free Facebook, malalamang libre ang Facebook kapag nakakita ng black header na nagsasabing "Free Data" habang nasa Facebook.



8. Sino ang maaaring mag-register sa Free Facebook promo?

Lahat ng Globe Postpaid, Prepaid at TM customers ay makakagamit ng Free Facebook. Hindi pa ito available sa BlackBerry devices sa ngayon.

9. Meron akong Globe Tattoo Broadband. Maaari ko bang gamitin ang SIM ko sa Tattoo Broadband para pumunta sa m.facebook.com?

Hindi, ang Free Facebook ay available lamang sa cellphones gamit ang internet browser ng cellphone o official Facebook apps.

10. Anong websites ang mapupuntahan ko nang libre kapag naka-register sa Free Facebook promo?

Ang Facebook mobile site (m.facebook.com) at official Facebook apps ay libre. Libre din ang pag-post, pag-like, pag-share, pag-chat, pag-comment sa Facebook!

Tuwing lalabas sa Facebook, (e.g., kapag pumunta sa ibang sites o nag-click ng links papunta sa ibang sites tulad ng YouTube, Yahoo, atbp), makakakita ng isang "Advice of Charge" na notification page. Kung gustong magpatuloy na lumabas sa Facebook, mamili lamang at i-click ang internet promo na gustong i-register.

Walang karagdagang internet charges kapag hindi nag-click sa anumang mobile internet promo.



11. Libre din ba kapag pumunta sa ibang sites o nag-click ng ads sa Facebook?

Hindi, kapag pumunta sa ibang sites o nag-click ng links papunta sa ibang sites tulad ng YouTube, Yahoo, atbp. habang nasa Facebook, makakakita ng "Advice of Charge" notification page.
Kung gustong magpatuloy na lumabas sa Facebook, mamili lamang at i-click ang mobile internet promo na gustong i-register.

12. Habang naka-register sa Free Facebook promo, maaari din bang mag-register sa ibang mobile internet promos?

Oo, makabubuting mag-register sa ibang mobile internet promos tulad ng Powersurf o Supersurf para makapunta sa ibang sites sa labas ng Facebook tulad ng YouTube, Yahoo, atbp. ng walang karagdagang regular mobile internet charges.

13. Kung naka-register ako sa Powersurf o Supersurf promo, paano magagamit ang minutes o MBs ng Powersurf o Supersurf promo ko habang nasa Free Facebook?

Habang nasa Facebook at naka-register sa Powersurf promo, hindi mababawasan ang minutes o MBs mula sa Powersurf subscription. Mababawasan lamang ito kapag lumabas ng Facebook (e.g. Kapag nag-click ng links papunta sa ibang sites tulad ng YouTube, Yahoo, atbp. habang nasa Facebook.)

Kung naka-register sa Supersurf at Free Facebook, walang karagdagang mobile internet charges kapag lumabas ng Facebook o pumunta sa kahit anong website. Kapag nag-expire na ang Supersurf, regular mobile internet rate (P5/15mins) na ang maga-apply kapag lumabas ng Facebook.

14. Anong oras available ang Free Facebook sa loob ng isang araw?

Libre ang paggamit ng Facebook buong araw.

15. Paaano ko malalaman ang ibang impormasyon tungkol sa Free Facebook promo?

I-text ang FREE FB to 8888, o i-dial ang *143# at piliin ang FREE FB para sa ibang impormasyon tungkol sa promo.

16. Paano ko ititigil ang subscription sa Free Facebook?

Para itigil ang subscription sa Free Facebook, i-text ang FREE FB STOP sa 8888 at makakatanggap ng link para mag-unsubscribe. I-click ang "Stop using Facebook for Free on Globe" at "Confirm".



17. Meron bang maintaining balance para magamit ang Free Facebook promo?

Walang maintaining balance para magamit ang promo.

18. Maaari bang mag-register sa Free Facebook gamit ang BlackBerry?

Hindi pa available ang Free Facebook promo sa BlackBerry devices sa ngayon. Regular mobile internet rate (P5/15 minutes) ang maga-apply kapag pumunta sa m.facebook.com gamit ang BlackBerry.

Maaari namang mag-register muna sa Blackberry promos tulad ng BBMax, BB Social, BB Messaging o BB Chat. Para sa ibang impormasyon, dial *143#, piliin ang Mobile Internet Promos at Blackberry Promos gamit ang cellphone.

19. Libre pa din ba ang Facebook kapag inilipat ko ang SIM ko kung saan ako nag-register ng Free Facebook sa ibang cellphone?

Libre pa din ang Facebook gamit  kahit sa ibang cellphone pero siguraduhing sa m.facebook.com o official Facebook app ang ginagamit. Tandaan na isang Facebook account lang ang maaaring i-register sa bawat SIM.

20. Libre pa din ba ang Facebook kapag gumamit ako ng ibang TM SIM para pumunta sa Facebook pero gamit ang parehas na cellphone?

Libre ang Facebook sa SIM kung saan nag-register sa Free Facebook. Para siguradong libre ang Facebook gamit ang ibang TM SIM, mag-unsubscribe muna sa Free Facebook sa dating TM SIM pagkatapos mag-register ulit sa Free Facebook gamit ang bagong SIM. Tandaan na isang Facebook account lang ang maaaring i-register sa isang SIM para makasigurado ng libreng paggamit ng Facebook.

21. Libre pa din ba ang Facebook kapag ginamit ko ito sa 2 o mahigit pang cellphones pero nag-register lang ako sa isang SIM?

Tandaan na maaari lang mag-register ng isang Facebook account sa bawat isang SIM para makasigurado ng libreng paggamit ng Facebook. Maaaring magamit ang Facebook ng libre sa pangalawang cellphone pero maaaring magkaroon ng karagdagang internet charges.

22. Paano i-set-up ang internet sa cellphone ko?

a) Siguraduhing internet-capable ang cellphone (hanapin ang "earth" icon sa cellphone menu) at gumagamit ng TM SIM.

b) I-text ang Go to 2951 at i-save ang settings na matatanggap.

c) Para magamit ang free Facebook, I-text ang FREE FB to 8888 at i-click ang link sa matatanggap na SMS para siguradong libre ang paggamit ng Facebook.

23. Paano ko mahahanap ang internet browser sa cellphone ko?

Sa nakararaming cellphones, mahahanap ang internet browser sa cellphone menu. Hanapin lang ang "earth" icon. Para sa iPhone, ang default internet browser ay Safari.

24. Nakatanggap ako ng text/pop-up ad tungkol sa Free Facebook. Totoo ba ito?

Oo, totoong libre ang Facebook sa cellphone sa lahat ng Globe at TM customers hanggang January 25, 2014.

25. Isa akong Globe/TM customer. Automatic ba na libre ang paggamit ko ng Facebook sa cellphone ko?

Lahat ng Globe/TM customers ay maaaring makagamit ng Free Facebook. Mag-register muna para siguradong libre ang paggamit ng Facebook. Text FREE FB to 8888 for more info.

Kapag hindi nag-register, regular mobile internet rate (P5/15 minutes) ang maga-apply kapag gumamit ng Facebook, maliban kung naka-register ka sa mobile internet promo tulad ng Powersurf o Supersurf.




1 comments:

  1. may expiration ba ang free facebook data?

    ReplyDelete